Heartbreaker (Chapter 5)
HINIMAS ni Elmo ang nasaktang pisngi niya. Npapalatak siya. Wala pang babaeng nakasampal sa kanya. Kung sino man ang misteryosa at tigreng babaeng iyon, may utang itong isang sampal sa kanya at sisingilin niya iyon nang triple.
Muli siyang pumasok sa mansiyon, pumuwesto sa isang sulok at matamang pinagmasdan ang papalaganap na kasayahan. He hated parties, but this one was an exception. Isa siyang uninvited guest sa naturang pagtitipon. Birthday party iyon ni Issabella Magalona, ang sikat na fashion at commercial model, Augusto Magalona’s only child and heir to his vast fortune. He wanted to have a glimpse of her.
Samut-saring emosyon ang kanyang nararamdaman habang tinitingnan niya ang babae. It hurt to look at her. She was so beautiful, so happy. She was a bright shining light to behold and it showed in her radiant smiles.
Tiyak niyang kailanman ay hindi ito nakatikim ng hirap sa buhay. She had been born with a silver spoon in her mouth. In a palace.
While he was born with a knife in his heart. In hell.
He clenched his jaw when he saw Issabella toss her long hair and laugh out loud. Ang halakhak nito ay mistulang gasolinang lalong nagpasiklab sa poot at pagiimbot sa kanyang puso. She looked so innocent, so sheltered, so safe from the horrors of the outside world.
While he had never felt safe in his entire life.
Naging malupit ang kapalaran sa kabataan niya.
He remembered being young and wise and jaded beyond his agee…
“Dali, Elmo! Aabutan na tayo ni Pinpin Beho!”
Halos sumabog na ang baga niya sa kakatakbo. Dahil mas maliit siya kay Sef ay nasa likuran siya nito. Halos lumuwa na ang dila niya sa pagod, pero kapag tumigil siya ay lagot siya sa Intsik na humahabol sa kanila.
Kung saan-saan sumuot si Sef, paliku-liko sa looban ng mga estero sa Quiapo. Bigla ay nawala ito sa kanyang paningin, at dahil gabi na ay nahirapan siyang hanapin kung saan ito sumuot.
Nagpahinga siya sa isang sulok habang hawak niya ang mga ninakaw nila ni Sef mula sa isang grocery store. Sinilip niya ang laman niyon—halu-halo—may mga de-lata, saboon, shampoo, at kung ano-ano pa. Tiyak niyang matutuwa ang kanyang Mamang Amanda kapag may naiuwi siyang pangkunsumo nila sa araw-araw.
Nang bigla na lamang ay sumulpot si Pinpin Beho mula sa kung saan. Sinunggaban siya nito sa leeg at kinaladkad patayo. “Mga wala-hiya kayo! Mga maknanakaw! Ibalik n’yo akin mga ninakaw n’yo!”
Nagpumiglas siya pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg at halos hindi na siya makahinga. Nabitawan niya ang hawak niyang sako. Sinampal at binatukan siya ng galit na galit na Intsik. “Aray ko po, Beho! Tama na po! Hindi na po ako uulit!”
Dinampot nito ang nabitawan niyang sako, saka siya kinaladkad patungo sa barangay hall.
Sampal, batok, at tadyak ang tinanggap niya mula sa kanyang amang si David. “Lintik kang bata ka! Magnanakaw ka rin lang ay nagpahuli ka pa!”
Umiiyak na iniharang ng kanyang ina ang katawan nito sa pagitan nilang mag-ama. “David, tama na! Maawa ka sa bata!”
Dinuro nito ang kanyang ina. “Isa ka pa! Lagi mong kinakampihan iyang anak mo, palibhasa’y mana sa iyong bobo! Buwisit! Sa susunod, huwag mo nang tutubusin sa barangay hall ‘yan! Hayaan mong mabulok doon para magtanda!”
Tinalikuran na sila nito at nagtungo sa kusina ng kanilang barongbarong. Mula roon ay nagliparan ang kanilang mga plato at kaldero. “‘Namputsa naman, Amanda! ‘Di ba sinabi kong lagi kang maghahanda ng pagkain pagdating ko?! Bakit wala ka pang sinaing? Anong klase kang asawa?! Magluto ka!”
Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang mukha. “S-sandali lang, anak. Gagamutin ko mamaya ang mga sugat mo. Magsasaing lang ako. Huwag kang aalis ng bahay, ha?” Pagkuwa’y dali-dali na itong nagtungo sa kusina. Naiwan siya sa isang sulok ng kanilang barongbarong, pinahid ang dugong umaagos mula sa pumutok na bibig niya.
Mayamaya ay muli siyang nilapitan ng kanyang ama. “Akin na iyong nadelihensiya mo ngayong gabi.”
Para makatulong kasi sa kanyang ina ay naghahanap-buhay siya sa kalye bilang tindero ng sigarilyo at candy sa gabi. Palabuy-laboy siya sa gitna ng Kamaynilaan, bawat sentimong kinikita ay ibayong pawis ang puhunan. Ang kanyang ina naman ay nagtitinda ng kung anu-ano sa palengke.
Ipinasok ng kanyang ama sa bulsa niya ang kamay nito at kinuha ang lahat ng laman niyon. Hindi na siya umangal, kinimkim na lamang niya ang galit at paghihimagsik ng kalooban.
Balang-araw, kapag malaki na siya ay hindi na siya papayag na saktan pa siya nito. Sampung taong gulang na siya. Ilang taon pa at makakapanlaban na siya nang bugbugan sa kanyang walang-kuwentang ama…
Lumaki siya sa kalye, nagkaisip na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi libre. Na kung mayroon mang gustong makamit ay magpupuhunan muna ng dugo at bayag. And in order to survive in the tough streets of the slums, one would have to lose one’s conscience…
“O, ano, pare, sasali ka ba sa lakad mamaya?” tanong ni Sef sa kanya habang panay ang hithit nito ng damo. Pareho silang mahilig sa pakikinig ng heavy metal at punk music.
“Malaki ang mararaket natin dito, Elmo.”
Nakihithit siya sa stick nito habang sinusuklay nito ang buhok nitong mahaba. Iyon ang usong hairdo ng mga kalalakihan ngayon—long-hairedlook. Pero pinanatili niyang maiksi ang kanyang buhok. Magastos sa shampoo. “Magkano naman ang parte ko? Saka sigurado ba ‘yan? Baka mamaya niyan, sumabit na naman tayo. Puro palpak ka naman kasi. Mainit pa naman tayo sa mga barangay tanod ngayon.”
“‘Ala, pare, sure hit ‘to. May dumating na epektos galing Amerika at itinambak lahat sa warehouse ni Stephen Yu. Kakuntsaba natin ang dalawa sa mga guwardiya niya at iyong mga bodegero. May nakahanda nang sumalo sa mga epektos. Walang sabit, pare. Garantisado ito.”
“Sige. Anong oras tayo magkikita mamayang gabi?”
Oh, yeah. He had lost his conscience and along with it, his innocence a long time ago…
Binilang niya ang naging parte niya sa small-time modus operandi nila ni Sef. Nakalimang libo siya. Hindi na masama. May maiaabot siya sa kanyang Mamang Amanda. Pasipul-sipol siya at lumulan sa isang jeepney. Daraanan niya si Alodia, ang girlfriend niyang dancer sa isang club sa Ermita.
Napangiti siya nang maalala niya ito. Sa malaimpiyernong buhay niya, ito ay ang kumbaga pam-breaktime niya. Hindi ito nagdudulot ng anumang problema sa kanya, bagkus pawang glorya.
Matao sa club nang pumasok siya. Kasalukuyang nagsasayaw sa entablado ang kanyang nobya. Malakas ang sigawan, paswitan, at mga sipol ng mga kalalakihan. Mga ulol, hanggang tingin lang kayo,sa isip-isip niya. Si Alodia ang star dancer ng naturang club at siya ang nobyo nito.
Nang matapos ang number nito ay pinuntahan niya ito sa backstage. Binati siya ng iba pang mga babaeng naroon.
“Hello, Elmo. Ang galing ng porma natin ngayon, ah. Ang guwapo mo talaga!” bati ng isang dancer sa kanya, sabay haplos sa kanyang dibdib, paloob sa kanyang black leather jacket. “‘Pag break na kayo ni Alodia, tayo naman, ha? Type kita,”anitong pinapungay pa ang mga mata.
“‘Oy, Sally, malandi kang babae ka, narinig ko ‘yon, ha!” sigaw ni Alodia mula sa loob ng dressing room.
Umingos ang babae. “Sus, ‘di ka na mabiro, Alodia.”
Ngumingising pumasok siya sa dressing room at isinara ang pinto. Kaagad niyang kinabig si Alodia pero itinulak siya nito. “Na-miss kita,” paglalambing niya rito.
“Nagpapalandi ka naman sa babaeng ‘yon.”
Natawa siya. “Ang lagay niyan ay nagseselos ka pa kay Sally? Gago ba ako para ipagpalit kita ro’n?” Hinalik-halikan niya ito.
Mayamaya lamang ay hindi na ito umiiwas. Lumaban na rin ito ng halikan. Isinampa niya ito sa dresser at pumagitna sa mga hita nito.
“Huwag dito, Elmo. Baka may pumasok,” pigil nito sa kanya.
“Sandali lang ‘to, Ali. Na-miss talaga kita.”
Sumimangot ito. “Bakit ang tagal mong hindi nagpakita sa akin?”
“Alam mo namang pumapasok ako sa eskuwela sa araw at rumaraket naman ako sa gabi. Ngayon lang ako nagkalugar.”
“Pa-school-school ka pa kasi. Ano naman ang mapapala mo sa pag-aaral?”
“Hayaan mo na. Si Mamang ang may gusto, eh. Pinagbigyan ko na para hindi magalit sa akin. Iyon lang ang hinihingi ko na para hindi magalit sa akin. Iyon lang ang hinihingi n’on sa akin kaya hindi ako makatanggi.” Ipinaloob niya ang kanyang kamay sa suot nitong roba at hinagod niya ang mga dibdib nito. Napasinghap ito.
Nang tanggalin niya ang panloob nito ay hindi na ito tumanggi. Alam niya ang lahat ng kiliti nito…
And how he hated his father, the good-for-nothing son of a bitch, the plague of his good-for-nothing life…