Heartbreaker (Chapter 8)
Nakipagkita si Julie Anne kay Issabella sa paborito nilang restaurant sa Glorietta.
“What happened?” kaagad na ratsada ni Issa sa kanya. “Bakit bigla ka na lang umalis sa party?”
She grimaced and took a sip of her mango shake. Nahihiya siyang sabihin dito ang dahilan. Parang hindi niya kayang isalaysay ang detalye. “Mahabang kwento.”
“Kaya nga simulan mo na, eh.”
“Nakakahiya, girl,” sabi niya.
“Asus! Nahiya pa. Ano, tell me na,” pamimilit pa rin nito.
“May naalala ka bang lalaking naka-all black sa party? Matangkad, clean shaven, saka, ahm… guwapo.”
Umiling ito. “Naku, girl, halos kalahati ng guest list ay hindi ko mga kakilala. Karamihan ay mga kaibigan ng mga kaibigan ko. May mg taga-showbiz at press, at saka ang daming nag-gate-crash.”
“Hmm.. iba na ang sikat, ah,” biro niya rito. “Ang ganda mo roon sa shampoo commercial, Issa. Hindi kaagad kita nakilala.”
Lumabi ito. “‘Buti ka pa, nagustuhan mo. Daddy hated it! He hates my modeling job. He wants me to take a position in one of our companies. Eh, ayoko ngang magtrabaho sa opisina. Ang boring dun. Pero teka, bakit ako ang pinag-uusapan natin? So, what happened to you at the party? Bakit nga bigla ka na lang umiskyerda?”
“Nothing!” kaagad na sagot niya.
Issa rolled her eyes. “Come on, Julie, alam kong something happened that sent you running. Tell me na nga.”
“Well…” Sa gitna ng pagba-blush at pamimilog ng mga mata nito ay knwento niya ang nangyari. Syempre, hindi na niya sinabing nagtagal siya sa pamboboso. Even until now, that scene still made her feel so embarrassed.
“Oh, my! Talaga? You saw a man? As in you saw his uhh.. as in he was… uhh.. doing the congressman’s wife?!” Nagkandabuhul-buhol na ang salita nito.
Sunod-sunod naman siyang tumango. “Sshh… ang boses mo, nakakahiya,” bulong niya.
Uminom ito ng tubig. “My God…” anitong parang hindi makapaniwala. “My, oh, my!”
“Kaya umalis kaagad ako. Ayoko siyang makita uli.”
Ngumiti ito nang nakakaloko. “Hmm, Julie, you did see his… uhhh.. you know what I mean. How was it?”
“Loka! Tigilan mo ako, ha!” napahagikgik siya.
Inilapit nito ang mukha sa kanya. “May karapatan ba siyang magyabang?” tanong nito sa pilyang ngiti.
Tumango siya at ramdam niya ang kanyang pamumula. Hindi siya ignorante. She had seen naked men in magazines. “As in super-yabang.”
Tinakpan nito ang bibig para pigilan ang pagtawa. Naghagikgikan silang magkaibigan.
“Hmm, sino kaya ang lalaking ‘yon?”
“I’ve never seen him before.”
“Maybe he does not belong in our circle. Pero nakakaintriga, ha! Super-yabang ba kamo? Hmm… lalong nakakaintriga.”
“Issa!” naeeskandalong impit na tili niya.
“Sus, kunwari pa ito. If I know, baka pinapantasya mo na ang lalaking yon. Its not everyday that you’d get to see a guy in all his horny glory.” Muli itong humagikgik.
“Issa, shut up!”
Umikot ang mga mata nito. “Yeah, yeah, yeah. I wonder why they think you are so liberated, girl. ‘Hot, hot, hot Julie Anne’, they say. My ass. You are a prude!”
Natawa na lamang siya.
Tumuntong si Elmo sa mansyon ni Augusto Magalona. Sinalubong siya ng isang unipormadong lalaki, marahil ay ang butler.
“Magandang gabi, Mr. del Rosario. Hinihintay kayo ni Don Augusto sa may poolside. Sumunod kayo sa akin.”
Walang imik na sumunod siya rito. Sa wakas ay napasok niya ang pamamahay ni Augusto. Noon ay nakasilip lamang siya roon na parang busabos mula sa matayog na gate ng mansyon. Ngayon ay malaya na siyang nakapasok doon at may pormal pang imbitasyon.
He sneered inwardly. Times had definitely changed.
Sa isang malawak na mesa sa poolside ay tumayo si Augusto at malugod siyang sinalubong. Kinamayan siya nito nang mahigpit.
“Elmo del Rosario, ikinagagalak kong makilala ka.”
May kung anong damdaming lumukob sa kanya sa pagkakatitig dito. Malaking tao ito, magkasintangkad sila. Marami na tiong mg aputing buhok pero naroon pa rin ang tikas at authority sa tindig nito.
He remembered the first time he saw him…
20 years old na siya nang puntahan niya ito noon. Nag-abang siya sa gate ng malapalasyong bahay nito sa Forbes Park. Mula sa mga rehas na bakal ay namataan niyang naglalakad ang isag dalagita sa malawak na lawn, namimitas ng mga bulaklak. Mayamaya ay may pumasok na magarang kotse. Nakita niyang sumalubong ang dalagita.
Umibis ng sasakyan ang isang lalaki. Lumundag sa mga bisig nito ang dalagita, umalingawngaw sa kanyang pandinig ang masayang sigaw nito. Mistula itong isang prinsesa sa ganda. “Daddy! Daddy!”
“Issabella, my baby! Did you miss me?”
Pinupog ng halik ng dalagita ang pisngi ng lalaki. “Yes, Daddy, I missed you. Pasalubong ko?”
Sa gitna ng paninikip ng kanyang dibdib at lalamunan ay pinagmasdan niya ang tila eksenang galing sa isang masayang pelikula.
“Psst, hoy, anong ginagawa mo r’yan?!”
Nilingon niya ang pinanggalingan ng maawtoridad na tinig. Isa iyong unipormadong gwardya at may hawak na mahabang baril.
“Bakit ka sumisilip dyan? Kasabwat ka ng mga kidnapper, ano?”
“H-hindi po.” Nahintakutan siyang umatras.
“Umalis ka na, kung hindi, raratratan kita!” Itinutok nito sa knaya ang baril na hawak nito.
Noon din ay kumaripas siya ng takbo palayo sa lugar na iyon at kailanman ay hindi na bumalik.
Ngayon ay kaharap na nya uli si Augusto.
“Halika, Elmo, ipakikilala kita sa aking anak.” Tumuon ang mga mata niya sa babaeng papalapit sa kanila. She still looked like a princesss.
“Elmo, this lovely young woman is my only daughter, Issabella,” nagmamalaking introduksyon nito.
TIpid ang ngiting kinamayan niya ang babae. Ngumiti naman ito nang matamis sa kanya. Her smile made his chest constrict in a strange way. Humigpit ang hawak niya sa kamay nito.
“I am pleased to meet you, Mr. del Rosario,” anito.
“Please call me ‘Elmo.’”
“Mabuti at pinagbigyan mo ang imbitasyon namin ni Daddy. Halika, kumain na tayo,” yaya nito sa kanya. “Dad…?”
Dumulog sila sa mesa na may nakahanda nang mga pagkain. It was an intimate candlelit diner by the pool.
“Si Issabella ang naghan”da ng mga ito. SHe’s really a great cook,” pagmamayabang pa ni Augusto habang tinitingnan nang buong pagmamahal ang anak nito.
Tumawa si Issabella. “Ang daddy talaga. hAyaan ninyong ang bisita ang magsabi niyan. Baka mapahiya kayo.”
Humalakhak ang ama nito. “Hija, kahit kailan ay hindi pa ako napahiya pagdating sa luto mo.”
Tiningnan siya ni Issabella. “Let’s eat.”
Masayang nagkwento ang mga ito. Hindi siya halos nagsasalita. The whole scene seemed surreal to him. Naroon ang katawan niya pero ang kaluluwa niya ay parang nakatunghay mula sa itaas at nanonood sa palabas. Ang tanging laman ng kanyang isip ay ang kanyang ina.
Ito ay dating katulong sa pamamahay ni Augusto. Isang katulong na inabuso ng mga amo.
Muling lumukob ang poot sa kanyang dibdib.
What was he doing having dinner with the very same people who treated his mother like dirt?
Sa wakas ay natapos ang dinner na yon. Nagkasarilinan sila ni Augusto sa isang parte ng mansyon nito. Inalok siya nito ng tabako. Tinanggap niya iyon.
“Cuban cigars, my favorite.”
“Hindi mo ako pinapunta rito para alukin ng tabako, Augusto. Let’s get to the point. Bakit mo ako gustong makausap?” aniya sa pormal na tono.
Tumitig ito sa kanya. Nakailang buga ito ng usok bago nagsalita. “Alam mo, Elmo, matagal na akong negosyante, at alam ko kung may kumakalaban sa akin.”
Ngumiti siya nang makahulugan. “Marami kang kalaban, Augusto. The bigger you get, the greater your enemies are and they all wanna bury you alive.”
Tinitigan siya uli nito at hindi naman siya umiwas ng tingin. “Are you?”
“Am I what?”
“My enemy?”
Ngumisi siya, humithit-buga ng usok. “I am a businessman, Augusto. Like you, I want the bigger chunk of the market. I am your enemy in as much as you are mine.”
Umiling ito. “Iba ka, Elmo. Pinag-aralan ko ang track record mo, and I am very impressed. YOU have achieved so much in such a short time, at lalo akong namangha nang malaman ko ang edad mo. You have an exceptional business acumen, young man.”
Nagkibit-balikat siya. “This is the computer age. Kahit teenager ay kayang kumita nang milyon kapag computer ang hawak. Pero hindi ‘yan ang rasok kung bakit mo ako inimbitahan dito.”
Tumuwid ito sa pagkakaupo. “Bueno, tapatan na tayo, Elmo. I want a partnership with you.”
Bahagyang nandilat ang mga mata niya. He nearly laughed. “Hindi kita tatanungin kung bakit gusto mong makisosyo sa akin, Augusto, dahil alam ko na ang sagot dyan. Ang tanong ay bakit ko naman gugustuhing makisosyo sayo? My companies are doing fine.”
“Bakit hindi? Imbes na magkompetnsya tayo, bakit hindi na lamang magsanib ang mga pwersa natin? We can conquer Asia and we can compete globally.”
Sa pagkakataong iyon ay natawa siya. “Mukhang may nakakalimutan ka, Augusto. I am already global. I was already global when I decided to expand here. Bkit hindi mo na lang ako diretsahin? Gusto mong makialyansa sa akin para mawala ang pinakamalaki mong kakompetensya. Bakit, natatakot ka na bang mawala sa mapa ng komersyo ang Magalona Group?”
Tumawa rin ito. “You are very arrogant, young man. In this business, arrogance is a weapon, but it could also be a weakness. Never underestimate your enemies.”
“Is that a fatherly advice?” he asked with disdain.
Natigilan ito, pagkuwa’y saglit ding nakabawi. “Oo. Marami ka pang bigas na kakainin. Kung inaakala mong maitutumba mo ako nang ganoon kadali ay nangangarap ka, Elmo. Which brings me to the real issue here. Bakit ako ang pinupuntirya mo? Marmi ka nang nasulot na mga deals sa akin. Tinatapatan mo ang lahat ng mga negosyo ko, ang lahat ng mga galaw ng kompanya ko. Binabara mo ang mga plano ko and the latest indication of that is your intention to take over Worldnet.”
“What’s the matter, Augusto? Can’t stand the heat? Worldnet is fair game. Nagkataon lang na mas malaki ang bid ko sa’yo. Pasensyahan na lang tayo.”
Nagdilim ang mukha nito. “Bakit? Bakit mo ako kinakalaban nang ganito? Hindi lamang ako ang kakompetensya mo. Marami tayo but you have me singled out.”
Nagkibit-balikat siya. “Masyado ka nang nawili sa itaas. Maybe you think you are invincible. I don’t.”
Ilang saglit itong tumahimik na tila nag-iisip. Tuso ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata niya, waring may binabasa. “Hindi. You want something else from me. Wala pang nagtangkang kalabanin ako nang ganito. Ikaw lang.”
Ngumiti siya nang may pait, nag-apoy ang mga mata. “Yes, I am coming after everything that you have, at hindi ako titigil hangga’t hindi kita naitutumba, Augusto Magalona.”
Nabaghan ito. “B-bakit?”
“Dahil may malaki kang utang sa akin. At habang nabubuhay ako ay pagbabayarin kita!”
Umiling-iling ito, larawan ng kalituhan ang mukha. “Hindi kita maintindihan, Elmo. I have never met you in my entire life. Ano ang utang na pinagsasabi mo? Wala akong matandaan. Marunong akong magbayad ng utang.”
“Amanda Reyes.”
Nablangko ang mukha nito. “S-sino siya?”
Nagtagis ang mga ngipin niya, naikuyom ang mga kamay. “Hindi mo siya natatandaan?”
Umiling ito.
Wala siyang nasabi. Gusto niyang magtatawa. That must be the joke of the century. And the joke was definitely on him.
“‘Amanda Reyes.’ Alalahanin mo ang pangalang yan. May malaki kang utang sa kanya. At sa akin.” Iyon lamang at iniwan na niya ito.
Nasalubong niya si Issabella habang palabas siya ng mansyon. “I hope you had a great time, Elmo,” nakangiting sabi nito sa kanya.
He couldn’t help it but her sincere smile was like a bucket of water that momentarily doused the raging fury in his heart. Alanganin siyang ngumiti. “Yes, I did, Issabella. You are indeed a great cook. Thank you.”
“You’re welcome.”
Hindi nakatulog nang gabing iyon si Elmo. Ilang taong inilihim sa kanya ng kanyang ina ang identity ng kanyang tunay na ama. Ang katwiran nito ay may sarili na itong pamilya at ayaw na nitong makagulo pa sila. Tinanggap niya iyon kahit sa loob niya ay gusto niyang makilala ang walang-kuwentang buhay.
Ibang lalaki ang nagbigay sa kanya ng lehitimong pangalan. Isang lalaking walang alam kundi magsugal at maglasing at kapag lango na sa alak ay ginagawa silang punching bag ng knyang ina. He was just so damn relieved that the bastard died one night chocking on his own puke before he was able to murder him himself!
Nakaraos silang mag-ina nang wala ni anumang tulong na nagmula sa kanyang tunay na ama. Isinumpa niya sa sarili na hindi siya makikipagkita rito hangga’t hindi niya napapantayan ang kinalalagyan nito.
Now, after so many years, his father was finally acknowledging him as an equal. Isang pwersang hindi dapat bale-walain. Isang pwersang maaaring magpabagsak dito. Na iya namang totoo. Na siyang matagal na niyang binabalak at inaasam-asam. Marmaing taon ang ginugol niya sa paghahanda sa unang paghaharap nila ng kanyang ama.
Noon, kapag iniisip niya ang mga salitang manggagaling sa bibig nito sa sandaling banggitin niya ang pangalan ng kanyang ina, inaakala niyang magugulat ito, pagkatapos ay lulukuban ng magkakahalong takot, guilt, pagkapahiya, at galit sa sarili sa kasalanang nagawa nito sa isang inosenteng babae. Pero hindi niya inasahan na iyon ang magiging reaksyon nito.
Ni hindi nito natatandaan ang kanyang ina. The woman raped many years ago! The same woman who bore his bastard and he didn’t even know it!
Ngayon ay doble ang poot niya para kay Augusto. Masahol pa ito kay David na nakilala niyang ama!
He closed his eyes tightly, but he couldn’t stop the pain in his heart. Namumuhi siya sa sarili sa nararamdaman niyang sakit. Dpat ay hindi na siya masasaktan. Augusto did not deserve his pain, only his hate.
“Augusto Magalona, hayop ka! Isinusumpa ko, pagagapangin kita sa lupa!” sambit niya sa magkahalong poot at pait sa kadiliman.