Heartbreaker (Chapter 10)
KINABUKASAN ay mistulang isang bangungot ang sumalubong kay Julie Anne.
This was not happening! Not in this modern age, especially not to an independent and self-proclaimed modern woman like her. It was incredibly ludicrous!
“Papa, I cannot believe this! How can you possibly think that I would agree to this ridiculous arrangement?!”
Bumuntong-hininga ito. “Julie Anne, hija, para sa kapakanan mo ito. Magtiwala k asana sa akin.”
Gusto na niyang mag-hysteria pero pinilit pa rin niyang magpakahinahon. “Papa, I am twenty-five years old. Ang hinihiling ninyo sa akin ay isang kalokohan! I will not marry a man whom I’ve never met, know nothing about, and don’t love! Please, this is the twenty-first century, Papa, not the medieval ages!”
Umupo ito sa isang sofa at waring nanghina, hinagud-hagod ang sariling dibdib.
Nabahala siya sa kanyang nakita. “’Pa, are you all right?”
Lumambong ang mga nito. “Anak, may dapat kang malaman. Halika, maupo ka sa tabi ko.”
Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito.
Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa nang muling nagsalita. “Nanganganib na bumagsak ang kompanya natin, Julie Anne. We are on the verge of declaring bankruptcy.”
Napamulagat siya, hindi makapaniwala. “W-what? Pano nangyari yon?”
“Two years ago ay nag-loan ang kompanya mula sa tatlong malalaking bangko ng Manynila nang daan-daang milyong halaga para sa expansion n gating operasyon. Tinamaan tayo ng pagbagsak ng dolyar. We cannot even afford to pay the interests.”
“But… but the company is doing well…”
“Oo, ngunit hindi mahabol ng kita ng kompanya ang mga bayarin natin. The banks are threatening to call in our loans at wala tayong pambayad.”
Natutop niya ang sariling noo, ilang saglit na nanahimik. Para siyang binagsakan ng bomba sa balita na ito. “Oh, I’m sorry, Papa. Paano na ‘yan? Anon a ang mangyayari sa kompanya natin?”
“Isang higanteng kompanya ang gusting bumili sa Worldnet, hija. Maganda ang alok nilang deal but it will be like a takeover.”
“But you don’t want to sell, Papa! Palagi mong sinasabi sa akin noon na kahit ano ang mangyari ay hindi ninyo ibebenta ang kompanyang pinaghirapan ninyong itayo.”
Tumayo ito. “Oo, anak, iyan sana ang nais ko, pero sa sitwasyon natin ngayon ay wala tayong pagpipilian kundi ang magbenta. Kapag bumagsak ang kompanya, daan-daang empleyado ang mawawalan ng trabaho. Kawawa naman ang mga iyon na tapat na naglingkod sa Worldnet nang mahabang panahon. Kapag nangyari ‘yon ay hindi ko alaam kung kaya pang bayaran ng kompanya ang mga benefits nila at separation pay. Ipit na ipit tayo.”
“Oh, Papa… I am so sorry. Hindi ko alam na nagkakaproblema na pala kayo rito and I was in the US at ni walang kamalay-malay sa nangyayari. I feel so guilty.”
“Sshh… don’t say that, hija. Wala kang kasalanan ditto.”
“At ang lalaking ito na gusto ninyong maging asawa ko, ano ang kinalaman niya sa lahat ng ito?” she asked reluctantly.
“Siya ang may-ari ng Blue Chips, Incorporated, ang kompanyang nagbabantang mag-take over sa Worldnet.”
Natigilan siya, bago muling nagsalita. “Hindi bas i Dylan Anderson ang may-ari ng kompanyang ‘yon? Kaibigan ko siya, Papa. I will talk to him myself. Pakikiusapan ko siya.”
“Dylan is only a minor stockholder of the company, Julie. Ang may-ari ng Blue Chips ay si Elmo Moses del Rosario.”
She had never heard of the man but she hated him already.
“At magtatagumpay ba siya, Papa?”
Malungkot itong tumango.
Nagsimula na siyang manlumo.
“Iisa lamang ang naisip kong paraan para manatili pa rin sa ating pamilya ang kompanya maski ibang tao na ang namamahala at nagmamay-ari ng majority of stocks—ang magpakasal ka kay Elmo del Rosario.”
Casanova…
It was Friday night. Bachelors’ night. Kapag Biyernes ay punung-puno ang elite gentlemen’s club dahil may special strip shows ang mga geisha ng Casanova. May fifty percent discount ang mga pagakin at inumin, at ang mga babae ay libre. Not that the members could not afford the real prices. Parang may party atmosphere lang ang club kapag biyernes kaya gusto ng mga members magbabad doon.
Sa loob ng napakalawak na Morrocan-style suite ni Richard Faulkerson Jr.ay bumabaha ang inumin, nagkalat ang mga nimpa na naghihintay na mapansin ng limang lalaking naroon. Ang iba ay sumasayaw sa malamyos na tugtugin na pumapailanlang sa ere. Ang iba naman ay nakahiga sa malapad na kamang may brocade canopy at silk covers, o kaya’y sa carpeted na sahig na napapaibabawan pa ng mga original na Persian rugs.
Kapag biyernes ay siguradong absent ang mga may-asawa na sa barkadahan na sina Lucky, DL, Marco at Russel. Alam kasi ng mga ito na no-holds-barred ang mga activities sa Casanova kapag Biyernes. Para hindi naman maging killjoy sa iba nilang mga kaibigan ay hindi na lamang pumupunta ang mga ito.
“Hey, I heard that you’re taking over Worldnet. Pare, mukhang isa-isa mong nilalaga ang mga kalaban, ah! Ang bilis mo. Dapat na ba akong mag-ingat sayo?”
Uminom si Elmo mula sa hawak niyang kopita at dumulog sa mesang kinauupuan nina Ken, Richard, Dylan at Hiro. “Ken, nagpapatawa ka ba? Higante ka na while I am just getting started. At alam mong wala akong tinatalo alinman sa mga kaibigan ko. Saka iba naman ang linya ng mga negosyo mo.”
“So, how did Carlos take it?” tanong ni Dylan.
Sumimangot siya. “He will sell the company to me for six hundred fifty million.”
“Whoa! Mukhang nakuha mo nang mababa, ah?”
“Hah! That’s what you think!” sabay ismid.
“Bakit naman? I think that’s a great price, pare. Nahihiya nga ako kay Carlos. Buti na lang, hindi ako ang nakikipagnegosasyon sa Worldnet. Huwag mong idadawit ang pangalan ko sa deal na ‘yan, ha? Out ako dyan. Kaibigan ko ang anak ni Carlos,” sabi ni Dylan habang nagdi-deal ng baraha.
Natigilan siya at sinulyapan ito. Sa simula pa lamang ay sinabi na nito na hands off ito sa binabalak niya sa Worldnet. “Yeah, yeah. Some partner you are, Dylan. Teka, ilan ba ang anak ni Carlos?”
“Isa lang. Bakit?”
Napapalatak siya “Too bad. By the way, I’m getting married.”
Ang lahat ay napatungangang tumingin sa kanya. “You’re kidding, right?” ani Richard na hindi sineryoso ang kanyang sinabi. “Ikaw, mag-aasawa?” Natawa pa ito.
Itinigil ni Dylan ang pagdi-deal ng baraha at dinampot ang sarili nitong baso. “Ah, are we having a serious talk here?”
Umiling siya. “Nah, nothing serious, man. It’s actually a business arrangement.”
Nangulit si Richard. “Teka, klaruhin natin. A marriage of convenience, is that what you’re saying?”
Tumango siya. “Parang ganon na nga.”
“So okay, how much are you getting out of the deal?” curious na tanong ni Dylan. “Is she worth your freedom?”
“A whole lot, man. At sino ang maysabing magpapatali ako sa kasal na ito? Hell, no. Negosyo ‘to.”
Tinapik ni Richard ang balikat niya. “Tama ka, pare. So, sino ang babaeng ito? Kilala ba namin?”
Natigilan siya, bago muling nagsalita. “Ang totoo niyan ay hindi ko pa siya nakikilala. Pero baka kilala n’yo.”
“What?!” panabay na bulalas ng lahat.
“Naloloko ka na ba, pare? Pakakasalan mo ang babaeng ni hind imp pa nakikita?” ani Hiro.
Ngumiti siya, may naglalarong imahe sa utak. Imahe ng isang babaeng may ginintuang mga hibla ng buhok at maladiyosang katawan. She was fiery, elusive, and mysterious. Lalo niyang nagugustuhan ito. He will have her for his mistress. He did not care if he had a wife somewhere as long as he had that sexy little vixen in his bed. It would be a perfect setup.
“I don’t care. It will be a marriage in name only.”
Nagkatinginan ang mga kaibigan niya, may pagaalala sa bawat mukha. Marriage talks always made them uneasy.
“Moe, hindi k aba nabibigla lang sa desisyon mo, pare? Baka mukhang kabayo ‘yang magiging misis mo,” ani Hiro.
“Hindi naman siguro. Hindi naman mukhang kabayo si Carlos. Malamang na maganda ang asawa nito, so most like ay hindi naman siguro pangit ang anak nila.”
“Carlos?” Napalakas ang boses ni Dylan.
Tumanggi siya. “Yap. Pakakasalan ko ang anak ni Carlos San Jose kapalit ng pagbebenta niya sa akin ng majority of stocks ng Worldnet.”
“Carlos’ daughter? I remember her. I haven’t seen her in a while though,” ani Ken na nangislap ang mga mata.
“Julie Anne San Jose,” ani Richard.
“Si Julie?” Nandilat ang mga mata ni Hiro.
“My Julie?” ani Dylan na parang tinuka ng ahas.
Napansin kaagad niya ang kakaibang reaksyon ng mga ito. Para bang may alam ang mga ito na hindi niya alam. “Yeah, Julie Anne whatever. So, you all know her. What does she look like?”
Ngumisi si Richard. “Oh, yeah. Julie is very beautiful, Moe. And… uhh…” Tumingin ito kina Hiro at Dylan.
Umarko ang mga kilay niya. “And…? Bakit parang may hindi kayo sinasabi sa akin? Come on, I can read it in your faces. Spill it out.”
Sumeryoso ang mukha ni Richard. “Baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko, pare.”
Asar na ibinaba niya ang kanyang kopita sa mesa. “Quit stalling, man. Ano ba ‘yon? She’d be nothing to me. Just a wife. A stock investment. Nothing personal.”
“Really? Ah, well, yamang nagpupumilit kang malaman. Sabagay, eventually ay malalaman mo rin.”
“Damn it! Say it, Chard!”
“Ah, you see, Moe, si Julie ay naging girlfriend ko dati. Pero matagal na ‘yon,” he said hesitatingly.
“At naging girlfriend ko rin dati,” ani Hiro.
“Na naging girlfriend din ni Russel dati,” saad naman ni Ken.
“And I am dating her, damn it, Moe!” singhal ni Dylan sa kanya. “Ano na namang kalokohan ‘to, pare? Bakit nasali si Julie sa negosasyon?” Matigas ang tono nito.
Hindi siya nakapagsalita. Isa-isang tinitignan niya ang mga ito, inaarok kung binibiro lamang siya. At natanto niyang hindi. Nagbaka-sakali pa rin siya. “Tell me you’re all kidding.”
Walang umimik, lahat ay umiwas ng tingin maliban kay Dylan na mukhang papatay ng tao.
Tiim-bagang na tumangu-tango siya. “So, I’m about to marry the syota ng bayan.”
“She’s not like that naman, pare,” mabilis na depensa ni Richard. “Julie is a decent woman.”
“Very intelligent and classy,” komento pa ni Hiro.
“Uh-oh. She’s one in a million, all right,” ani Richard.
Nabayo niya ng kanyang kamao ang mesa. “Cut the crap, will you? Kahit ano pa ang sabihin n’yo ay hindi magababago ang isang bagay. That you all had her!”
“Ah, Moe… Pare…” Tila hindi alam ni Richard kung paano magpapaliwanag.
“Shove it,” aniya at muling tumungga mula sa kanyang kopita. “I ain’t having her anyway. Pakakasalan ko lang siya dahil sa Worldnet. It’s her father’s company I want, not her. She’s just an inconvenient part of the package, but once I’ll get rid of the moment, I got Worldnet. So don’t worry. Wala sa akin ‘yon.”
“Damn you, Moe! She’s a good woman!” asik ni Dylan.
“Dylan, get off my case, buddy. This wasn’t my idea. I don’t want her. Si Carlos ang nagpupumilit na ipakasal ako sa anak niya. Tuso ang matandang yon. Naniniguro.”
Bumuntong-hininga si Richard. “Tama si Dylan. She’s a good woman, Moe. Actually, maswerte ka.”
Sarkastikong humalakhak siya. “Oh, yeah? Let’s toast to that then. To me and my marriage of convenience and my friends who already fucked my future bride.”
Walang dumampot ng baso.
Inubos niya ang laman ng sarili niyang baso at padarag na tumayo na. “Mauna na ako. Imbitado kayong lahat sa kasal.”