1. Heartbreaker (Chapter 11)

    KASAL? Gustong isumpa ni Julie Anne ang salitang iyon. Balang-araw ay gusto rin naman nyang makasal, pero hindi sa ganitong paraan na para siyang pambayad-utang. Hindi kayang lulunin ng kanyang pride na sa ganito siya mauuwi.

    No way. Kailangang gumawa siya ng paraan. Hindi niya isusuko ang Worldnet nang ganoon na lang sa lalaking iyon! At lalong hindi niya isusuko nang ganoon-ganoon na lang ang kanyang sarili sa kung sinumang herodes na nagdidiyos-diyosan dito sa lupa! Panahon na para pagtuunan niya ng ibayong pansin ang kanilang kompanya. Lalaban siya.

    Makalipas ang isang oras ay nasa main office na siya ng Worldnet at tumawag ng emergency meeting. Bagama’t alam niyang nagtataka ay nagtungo sa conference room ang mga taong ipinatawag niya.

    Ninenerbiyos siya pero hindi siya dapat mahalata ng mga empleyado ng Worldnet. If she was going to save the company from an impending takeover, dapat ay mukhang palaban siya.

    “Ladies and gentlemen, I have called this meeting on behalf of my father. Maaaring nagtataka kayo sa dahilan ng meeting na ito. Please sit down and I will explain it to you.” Nangagsiupo ang mga ito. Isa-isang tiningnan niya ang mga ito. “Siguro nama’y nakarating na sa inyong kaalaman na may nagtatangkang mag-take over sa Worldnet.”

    “Iyon nga ang mga naririnig naming sa paligid, Miss San Jose. Pero wala pa naman kaming confirmation mula sa iyong ama,” sabi ng isang senior executive ng kompanya.

    Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Kailangang makuha niya ang tiwala ng mga executives. She needed all the help she could get to troubleshoot the company’s problems. “Kung ganoon ay sa akin na mismo manggagaling ang kumpirmasyon. Nanganganib ngang ma-takeover ang Worldnet.”

    Naging tensiyonado ang mga executives, umugong ang bulung-bulungan. Itinaas niya ang kanyang kamay. “Gentlemen, ladies, may I have your attention please.” Muling tumuon sa kanya ang mga ito. “Ikinalulungkot kong masama ang balitang inihatid ko sa inyo pero hindi ko ipinatawag ang meeting na ito para sabihing papaya na lamang tayong lamunin ng isang higante at dayuhang kompanya. That is not what I am trying to convey to you at all. I am here to ask for your help and cooperation in saving the company from this takeover attempt.”

    “How are we going to do that, Miss San Jose?” tanong ng isang senior accountant.

    “It’s going to be a tremendous job for all of us pero kung magtutulungan tayo ay kaya nating malagpasan ang krisis na ito. My father built this company from scratch and you were all with him from the very start. Papayag ba kayong basta na lamang sulutin ng isang banyagang kompanya ang administrasyon? These people won’t care about your interests. They will chop the company into pieces at ibebentang pira-piraso. Maraming mawawalan ng trabaho.”

    Nakahinga siya nang maluwag nang isang malakas na pagtanggi ang narinig niya mula sa mga ito. At least, nasa kompanya pa rin ang loyalty ng mga ito. May mga nasabi siyang hindi niya sigurado. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng Blue Chips, Incorporated para sa Worldnet. Pero ano ba ang pakialam niya roon? She would do whatever it would take to save her father’s company. It was her moral obligation.

    Nagbabad siya sa opisina ng kanyang ama buong maghapon. Graduate siya ng Business Administration course kaya kahit papaano ay hindi naman siya ignorante sa usapang negosyo na kahit ang career na tinahak niya ay fashion designing.

    Hindi niya napaghandaan ang gabundok na mga financial reports. Sa tulong ng mga accountants ng Worldnet ay unti-unting naintindihan niya ang kasalukuyang financial status ng kanilang kompanya. Hindi nagsinungaling ang kanyang ama sa kanya. Worldnet was in the red. Baon sa utang ang kanilang kompanya nang daan-daang milyon.

    Nanghina siya ngunit hindi siya nagpahalata sa kanilang mga empleyado. Hindi siya susuko. Hahanap siya ng solusyon.

    Dinampot niya ang kanyang cellphone. “Dylan, its Julie Anne. Can I see you? Now, Dylan. Its urgent. Sa Nuvo.”

    Ilang minute pa ay kaharap na niya ito. “Why didn’t you tell me?” nag-aakusang sabi niya rito.

    Lumarawan ang guilt sa mukha nito. “Julie, I’m sorry. I thought you knew. Frankly, hindi ako nakialam sa negotiations ng Blue Chips sa Worldnet. Ang ama mo at si Moe ang nag-uusap tungkol dito.”

    “Moe? Elmo del Rosario? That’s the bastard who’s trying to steal our company?”

    Tumango ito. “I thought your father told you already kaya hindi ko na binanggit sayo last time.”

    “I found out just yesterday. Kasalanan ito ni Papa. Sinabi niya sa akin kung kalian huli na at naghihirap na ang kompanya!” Frustrated ng naikuyom niya ang kanyang mga kamay.

    “I am sorry, Julie. I truly am.”

    “Please, help me, Dylan. Kausapin mo si Elmo. Is he your friend? He must be. May stocks ka sa Blue Chips, ‘di ba?”

    Bakas ang pagkaawa sa mukhang tiningnan siya nito. “What can I do, Julie? Worldnet is really in trouble. Whether you like it or not, kailangan nito ng financial assistance. I have studied the company stats myself. You have no choice but to sell or face bankruptcy. Kaibigan kita. Take my advice. Sell now while you still have the best offer from Blue Chips.”

    Nanlumo siya. “How can you ask me to do that, Dylan? Worldnet is my father’s life!”

    “I know, Julie, but you don’t really have any choice, do you? Come on, Worldnet will be in good hands. Trust me.”

    “There is another option. Marry that bastard.”

    “Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! Elmo told me that Carlos wants you two to get married. I think that’s absurd! Nobody can force you to marry anyone, not even your father!”

    Ngumiti siya nang mapakla. “Try my father.”

    “For Pete’s Sake! You’re actually considering it, are you?”

    “It’s time Elmo and I met.”

    “No, let me talk to him first, Julie.”

    “Anong pwede mong sabihin sakanya? Na huwag nang ituloy ang takeover? Na tulungan na lamang niya ang kompanya imbes na bilhin?” Nagliwanag ang mukha niya sa ideyang pumasok sa kanyang utak. “Yes! Can you do that? Propose a partnership with him instead? Oh, please, Dylan…”

    Bumuntong hininga ito. “I will do my best, Julie.”

    “TUMAWAG ang aking sekretarya kanina, Paloma. Naroon sa opisina si Julie Anne, nagpatawag ng emergency meeting sa mga executives.”

    Napailing si Paloma “I think I know what she’s trying to do, Carlos. Susubukan niyang isalba ang kompanya.”

    “Hindi ko alam kung ano pa ang paraang pwede niyang gawin para maisalba ang kompanya, Paloma. I have been all over this with my financial advisers pero wala. The best way to do is to sell. Cut our losses while we still can.”

    “Kilala mo naman ang anak mo. Lalaban ‘yon.”

    Bumuntong-hininga siya. “Ayokong magbago pa ang isip ni Elmo. We need to do something, Paloma. Fast.”

    HINDI makapaniwala si Elmo sa kanyang naririnig. “What? Are you crazy?! What’s gotten into you, man? A partnership?” Natawa siya.

    Waring napahiya naman si Dylan at halatang hindi malaman kung paano nito ipapaliwanag ang nais na mangyari. Bilang isang negosyante at batikang financial consultant, talagang nakakatawa ang iminumungkahi nito.

    “A partnership would be a total waste, pare. Why have a partner when you can just buy the whole damn thing and they can’t do shit about it? That’s the best way to go and you know it. Teka nga, akala ko ba’y hands-off ka sa deal na ‘to?”

    Napansin niyang pinagpapawisan ito.

    “Have you been talking to my future wife?” tanong niya ritong may pagdududa.

    Namula ito, pero hindi na rin nagkaila. “Oo. She’s a friend, pare, at ipinakiusap niya sa akin na kausapin ka.”

    He sneered. “Friend? Are you sleeping with her?”

    “No!” tahasang tanggi nito. “Damn it, man, won’t you reconsider? Please? Pagbigyan mo ako sa bagay na ito and I will never ask you for anything again.”

    “Aww, Christ! Why are you doing this? Are you in love with this woman? May relasyon ba kayo?”

    Umiling ito. “Just this once, Elmo. Tinulungan kitang maitayo ang kompanya mo rito. Maniningil na ako.”

    Nabayo niya ang mesa. “Damn it, no! You are being unfair, man! Hindi ito ang tamang panahon at pagkakataon para isumbat mo sa akin yan! I am in the middle of a takeover. Papers have been drawn! You can’t ask me to reverse my position now!”

    “Then our friendship is at stake here, Elmo.”

    NAGKAPIRMAHAN na sila ni Carlos San Jose. Tinitigan ni Elmo ang mga papeles. Officially and legally ay siya na ang bagong may-ari ng ninety-five percent ng Worldnet. Nagkamay sila.

    “Itatakda ko na ang kasal ninyo ng anak ko, Elmo.”

    Natigilan siya. Nananantiyang tinitigan niya ito bago nagsalita. “Carlos, matino bang babae ang anak mo??”

    Halatang nagulat ito sa klase ng kanyang tanong, “Ano ang ibig mong sabihin?”

    “Wala, Carlos. Tinatanong ko kung matino bang babae ang anak mo? Isang simpleng tanong, isang simpleng sagot.”

    Nagsiklab ang mga mata nito. “Ano ang gusto mong palabasin, na masamang babae ang anak ko?”

    Ngumiti siya nang sarkastiko. “You tell me, Carlos. She’s your daughter. Hindi ko siya kilala. Ni hindi ko pa siya nakikita. All I have is your word that she is a good woman. I just bought her for six hundred-fifty million pesos. Siguro naman ay may karapatan akong malaman kung matino ba ang merchandise na binili ko. Dahil kung hindi—-”

    Nagtiim ang mga bagang nito at tila gusto naman niyang magsisi sa mga nasabi niya pero naroon na iyon. He hated being backed into a corner. It was his game, damn it! It was supposed to be his kill. Pero parang siya ang nahuli sa sarili niyang bitag! Damn Carlos! And damn his daughter!

    Masakit mang aminin sa kanyang pride, alam niyang naisahan siya ni Carlos. On the other hand, he could just leave him now without honouring their verbal agreement that he would marry his daughter, ngunit ayaw naman niyang ma-jeopardize ang kanyang posisyon sa lipunan. Carlos was still one of the most respected businessmen in the country. He would benefit more if they were friends. He needed allies, not enemies.

    “Balang-araw ay pasasalamatan mo ako, Elmo, na ipinagkatiwala ko sayo ang aking nag-iisang anak. Sa totoo lang ay napakaswerte mo. Julie is so extraordinary woman. Nagdadalawang-isip na ako ngayon kung gusto ko nga ba siyang ipakasal sayo. Mukhang ang anak ko ang mamalasin sayo,” anito sa kalamanteng tinig.

    Nagbaba siya ng tingin, napahiya. Ngunit hindi maalis sa kanyang isip ang nalaman niya kay Richard. Julie Anne San Jose was a woman of the world. A socialite who played the field like a man. Kilala niya ang mga kaibigan niya. Pareho sila ng mga likaw ng bituka—na lahat ng girlfriends ay naikakama. Ang isiping dumaan sa mga kamay ng mga kaibiga niya ang kanyang magiging asawa ay napakahirap lulunin sa kanyang ego. Hell, it was eating him inside like acid. But a deal was a deal.

    “Ipagpaumanhin mo ang sinabi ko, Carlos. Ikaw ang bahala. Pakakasalan ko ang anak mo.”

    Nang makaalis ito ay lumapit siya sa glass panels na nakalinya sa halos buong paligid ng kanyang opisina. Tiningnan niya ang traffic sa Ayala Avenue sa ibaba. Katulad ng mga sasakyang nasa ibaba ang buhay niya na dumaan sa isang napakahirap na ruta pero nakarating din sa tamang destinasyon.

    Life was indeed full of surprises. Who would have thought that a man like him who came from the gutters would now be a big-time businessman on the verge of dominating the computer industry of the Philipines?

    Nang gabing nakatuwaan niyang magbabad sa state-of-the-art computer system ni Blaire ang naging major turning point ng kanyang buhay. Aksidenteng na-decode niya ang password ng isang top secret government agency ng United States. Napasok niya ang naturang network at nagawa niyang mag-navigate sa loob ng network nang walang kahirap-hirap.

    It had been the biggest thrill of his life. He had cracked a classified network! He had hacked into the most confidential files of the most powerful country in the world! Hindi siya makapaniwala!

    Wala siyang kaalam-alam na na-trace na siya ng operating unit ng FBI sa bansa hanggang sa mismong address ng computer na ginamit niya.

    Sa kalaboso siya bumagsak. Galit nag alit ang ama ni Blaire pero himalang hindi lumabas sa media ang mga pangyayari. Nagtagal siya nang ilang araw sa kulungan. Nang walang kasong maisampa sa kanya ang mga authorities ay pinakawalan din siya. He had innocently hacked into a top-secret system by accident. It was a major failure in the computer security system of the agency. Certainly no fault of his own.

    Ngunit makalipas ang isang lingo ay nasa United States na siya, walang kaabug-abog na nakalusot sa US embassy, may passport at visa. Noong una ay takot na takot siya. Nasa isang banyagang lugar siya. Ngunit nang makaharap niya ang taong nagbigay sa kanya ng entrada sa Amerika ay naglaho ang lahat ng kanyang takot at agam-agam. Siya ay nasa tamang lugar. Iyon ang lugar na matagal na niyang inaasam na balang-araw ay kanyang mapuntahan. It was his destiny. And he embraced it fully.

    Siya ay nasa Silicon Valley, California, at ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa lugar na iyon ay ngumiti sa kanya, kinamayan siya nang mahigpit na para bang nagagalak itong makilala siya.

    “Welcome to America, Elmo. I’m Bill.”

    Ito ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Ang taong naging instrumentro ng kanyang tagumpay. His mentor. Ang kanyang naging inspirasyon. Ang kanyang idolo.

    Makalipas ang isang buwan ay sumunod na ang kanyang ina roon. Iyon lamang ang naging kahilingan niya sa kanyang bagong employer—ang makasama ang kanyang ina.

    And the rest was history.

    He still worked closely with Bill but only as one of his consultants now. Nagsarili na siya. He designed the most sophisticated computer game in the history of cyberworld—ang WarCraft. It became one of the biggest-selling computer games of the decade. Nasundan pa iyong ng marami. At the age of twenty-seven, he was already the owner of his own giant computer games company in the United States.

    Tatlong taon na ang nakalilipas nang makilala niya sa isang business conference si Dylan Anderson na isang Filipino-American businessman. Sa tulong nito ay sinimulan niyang ilatag ang pundasyon ng kanyang negosyo sa Pilipinas. Ito ang naging industrial partner niya sa bansa at hindi naglaon ay naging matalik na kaibigan din niya. Sa una aya naging lihim sa Philipine business circuit ang identity niya bilang may-ari ng Blue Chips, Incorporated, the country’s fastest rising computer company.

    Sa bandang huli ay nagdesisyon na rin siyang lumabas sa publiko at ilipat ang base niyon sa Pilipinas. Then he began to conquer. Deal after deal. No one could stop him he was a corporate dynamo intent on annihilating anyone who got in his way.

    Wala siyang intensyong tumigil hangga’t hindi niya nakukuha ang posisyong gusto niyang kalagyan sa Pilipinas, especially not now when he could smell the heady scent of victory. He was almost there, just a few deals away from his ultimate goal—ang pagbagsakin ang Magalona Group of Companies.